^

Bansa

E-Wallets, bangko parehong digital pero magkaiba ang gamit

Pilipino Star Ngayon
E-Wallets, bangko parehong digital pero magkaiba ang gamit
Sinabi ni Villanueva na hindi dapat direktang ikumpara ang mga bangko at e-wallet dahil magkaiba ang kanilang business models at pinagkukunan ng kita. Tinukoy rin ni Villanueva ang pagkakaiba ng bank savings at e-wallet. Una ang bank account ay kinakailangan may maintaining balance, may penalty charges at interest. Habang ang e-wallet ay walang kinakailangan at maaari lamang magamit kung may laman.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bagaman parehong nagagamit sa digital payment ang e-wallets at ang bangko, may kanya-kanya itong pinaggagamitan, ayon kay FinTech Alliance.PH President Lito Villanueva.

 Sinabi ni Villanueva na hindi dapat direktang ikumpara ang mga bangko at e-wallet dahil magkaiba ang kanilang business models at pinagkukunan ng kita. Tinukoy rin ni Villanueva ang pagkakaiba ng bank savings at e-wallet. Una ang bank account ay kinakailangan may maintaining balance, may penalty charges at interest. Habang ang e-wallet ay walang kinakailangan at maaari lamang magamit kung may laman.

 Ayon kay Villanueva, ang mga bangko ay nakatuon sa savings, loans, investments at iba pang financial products, habang ang mga e-wallet ay idinisenyo upang mabilis, mas madali at mas accessible ang digital payments para sa mas maraming Pilipino. Dahil dito, malaki na ang naitutulong ng mga e-wallet sa pang-araw-araw na transaksyon gaya ng pagbabayad sa mga tindahan, online purchases, bills payment at money transfers. Binigyang-diin ni Villanueva na hindi nangangahulugang kung may zero fees ang ilang bangko ay dapat ganoon din ang e- wallets, dahil magkaiba ang kanilang pinagkukunan ng kita. Aniya, ang mga kinikita ng mga financial institutions ay ginagamit din upang mapalakas ang cybersecurity, mapahusay ang serbisyo at mapanatili ang ligtas na digital transactions. “Hindi dapat direktang ikumpara ang mga bangko at e-wallets. Magkaiba ang kanilang tungkulin at income sources, ngunit iisa ang layunin ang mapalawak ang ligtas at accessible na digital financial services para sa mga Pilipino,” giit ni Villanueva. Iginiit din nito, sa halip na pag-usapan kung alin ang mas lamang, mas mahalagang kilalanin na nagtutulungan ang mga bangko at e-wallet providers, kasama ang mga regulators at iba pang stakeholders, upang mapalawak ang financial inclusion at makabuo ng mas episyente, ligtas at abot-kayang digital payments ecosystem para sa mas maraming Pilipino.

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with