^

Bansa

VP Sara: ‘Hindi ako magre-resign!’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara: ‘Hindi ako magre-resign!’
Vice President Sara Duterte.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nanindigan si Vice President Sara Duterte na hindi siya magbibitiw sa kanyang puwesto. Ito’y sa kabila nang kinakaharap na impeachment trial sa Senado kaugnay ng alegasyon ng korapsyon at iba pang paglabag.

Sa kanyang pagbisita sa Filipino community sa London, United Kingdom nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas), sinabi ni VP Sara na isang kataksilan sa 32.2 milyong Pinoy na bumoto sa kanya kung magre-resign siya bilang ikalawang pangulo ng bansa.

“Never gonna happen. Hindi ako magre-resign. Dahil ‘yun ay parang betrayal sa 32.2 million na mga kababayan natin na bumoto sa akin,” pagtiyak pa ni VP Sara, sa isang panayam.

“Gusto ni BBM tanggalin niya ako. Gawin niya ang lahat, tanggalin niya ako,” dagdag pa ng bise presidente.

Kaugnay nito, tiniyak din ni VP Sara na sa ngayon ay nakatuon ang kanyang pansin sa trabaho ng Office of the Vice President (OVP) at sa kanyang defense team kaugnay ng impeachment case laban sa kanya.

Siniguro rin niya na kahit pa nagpahayag na siya ng intensiyong tumakbo sa 2028 presidential race ay gagawin lamang nila ang paghahanda para rito, sa sandaling matapos na ang impeachment trial.

“Kahit pa man na sinabi ko na tatakbo ako sa 2028 elections, lahat ng preparations don ay mang­yayari kapag tapos na ang impeachment ­trial,” dagdag pa ni VP Sara.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with