^

Metro

20K pulis ikakalat sa Pangulong Marcos SONA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
20K pulis ikakalat sa Pangulong Marcos SONA
Sinabi ni NCRPO spokesperson PMaj Hazel Asilo, 100 porsyento nang handa ang nasa 20, 229 na pulis upang siguraduhin na magi­ging maayos at payapa ang SONA sa kabila ng inaasahang libu-libong katao, kabilang ang iba’t ibang cause-oriented groups.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines —  Isang linggo bago ang ika-5 o 2026 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na plantsado na ang kanilang pag­hahanda kabilang ang pagtatalaga ng mahigit 20,000 pulis sa Hulyo 27 sa Quezon City.

Sinabi ni NCRPO spokesperson PMaj Hazel Asilo, 100 porsyento nang handa ang nasa 20, 229  na pulis upang siguraduhin na magi­ging maayos at payapa ang SONA sa kabila ng inaasahang libu-libong katao, kabilang ang iba’t ibang cause-oriented groups.

Hindi bababa sa apat na grupo ang inaasahang magsasagawa ng demonstrasyon, batay sa grupong humingi ng permit sa Quezon City local government unit para sa rally sa paligid ng Kongreso bagamat hindi pa sila inisyuhan ng permit. Makikipagpulong din ang NCRPO sa mga grupo ng raliyista na planong magsagawa ng rally upang matukoy kung saan sila dapat na nakapuwesto. Nasa heightened alert status na ang NCRPO na nangangahulugan na suspendido pansamantala ang lahat ng leave at day-off ng mga pulis.

Pinaalalahanan naman ni PNP Chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr. ang lahat ng pulis na pairalin ang maximum tolereance at propes­yonalismo sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Ang SONA ay isinasagawa taun-taon tuwing huling Lunes ng Hulyo, kung saan inihaharap ng Pangulo ang kalagayan ng bansa, mga nagawa ng administrasyon, at mga prayo­ridad na panukalang nais nitong maisabatas.

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with