Meralco may P0.34/kWh dagdag-singil sa July billing
MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng nasa P0.34 kada kilowatt hour (kWh) na dagdag sa singil sa kuryente ngayong July 2026.
Ang naturang increase ay nangangahulugan nang pagtaas ng overall rate para sa isang typical household sa P14.8261/kWh ngayong buwan mula sa dating P14.4833/ kWh noong Hunyo.
Ipinaliwanag ng Meralco na ang dagdag-singil ay dulot nang pagtaas ng generation charge, ng P0.1800 kada kWh dahil sa mas mataas na presyo ng fuel. Tumaas din anila ang charges mula sa Power Supply Agreements (PSAs) ng P0.2678 dahil sa impact ng nagpapatuloy na tensiyon sa Middle East.
Maging ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ay tumaas rin matapos na maabot ng demand sa Luzon ang record high na 14,534 megawatts (MW) noong Mayo 28, 2026.
Maging ang buwis ay nakapagtala rin ng pagtaas gayundin ang transmission at iba pang charges
Ayon sa Meralco, ang taas-singil ay katumbas ng P69 na dagdag sa bayarin sa mga nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan.
- Latest


















