^

PSN Palaro

1st Shakey’s Juniors National Invitationals hahataw ngayon

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
1st Shakey’s Juniors National Invitationals hahataw ngayon
Sina (mula sa kaliwa) Beyond Media Puso CEO Patricia Hizon, SPAVI Marke ting Head Regina Asa, ACES President at CEO Dr. Ian Laurel, Hazell Ramos ng Asics at ACES Competition Director Ginio Panganiban kasama ang team captains ng mga koponang papalo sa Shakey’s Juniors National Invitationals.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hahataw ngayon ang ka­una-unahang Shakey’s Juniors National Invitatio­nals tampok ang pinagha­long mga pambato ng Pi­li­pinas at foreign teams sa Playtime Filoil Centre sa San Juan City.

Babandera ang Sha­key’s Girls Volleyball Invi­tational (SGVIL) champion UST Junior Golden Tigresses sa pitong kopo­nang papalo sa torneong magtatapos sa Hulyo 18 tampok din ang mga palabang tropa mula sa Guam at USA.

Bahagi ito ng misyon ng Shakey’s na mapala­wak ang volleyball sa ban­sa upang patuloy na ma­kapagbigay-daan sa mga susunod na stars ng professional league at ng Alas Pilipinas na lahat ay naglaro sa Shakey’s sa na­­karaang dalawang de­kada.

Kasama ng UST na ta-trangko sa bansa ang St. John’s Institute ng Bacolod, Arellano High School, Pusong Azul ng Ateneo at One La Salle na binubuo ng mga players ng La Salle Zobel, Greenhills at Das­ma­rinas na nasa ilalim lahat ng La Salle school system.

Mapapalaban sila sa Pa­cific Volleyball Academy ng Guam at Perfect Set Dream Makers ng California, USA sa single-round robin eliminations kung saan ang Top 4 teams ang abante sa semis sa ilalim ng knockout format hanggang finals.

Magsisimula ang bak­ba­kan sa maikling best-of-three sets sa eliminations bago umangat sa tradisyunal na best-of-five sa semis at finals series.

Ito ang pambungad na torneo ng Shakey’s bago ang Collegiate National In­vitationals sa Hulyo 19 hanggang 24 sa Ninoy Aquino Stadium.

Pinaghalong local at fo­reign squads din ang la­lahok dito tampok ang Ho Chi Minh Volleyball Club ng Vietnam at Southern Storm Melbourne ng Austra­lia kontra sa Enderun Colle­ges, UST, Letran College at College of Saint Benilde ng Pinas.

Inaasahang lalo pang pa­lalakihin ng Shakey’s ang kanilang programa sa susunod na taon ka­bi­lang na ang posibilidad na ilaban ang Shakey’s All-Stars mula sa iba’t ibang teams kontra sa mga pambato sa Asya.

SHAKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with