Jobless Pinoy sumipa sa 2.5 milyon noong Mayo
MANILA, Philippines — Muling sumipa ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Mayo 2026.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 2.5 milyon ang jobless, mas mataas kumpara sa 2.41 milyon noong Abril at 2.03 milyon noong Mayo 2025.
Binanggit ni Claire Dennis Mapa, National Statistician at PSA chief, na mula sa 52.13 milyong katao sa labor force, katumbas ng 4.8% unemployment rate ang walang trabaho. Mas mataas ito sa 4.7% noong Abril at 3.9% noong nakaraang taon. Sa madaling salita, 48 sa bawat 1,000 Pilipino ang walang hanapbuhay.
Bagama’t tumaas ang bilang ng may trabaho sa 49.63 milyon nitong Mayo, mas mababa pa rin ito sa 50.29 milyon noong Mayo 2025. Bukod sa walang trabaho, marami ring may hanapbuhay pero kulang ang kita o oras. Umabot sa 6.04 milyon ang underemployed nitong Mayo, katumbas ng 12.2% underemployment rate. Mas mababa ito sa 15.2% noong Abril at 13.1% noong Mayo 2025.
- Latest























