2-minute Recap: Mga nangyari sa Day 1 ng impeachment trial
MANILA, Philippines — Pormal nang nagsimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado matapos mahalal si Sen. Chiz Escudero bilang presiding officer ng impeachment court.
Sa opening statement ng House prosecution, iginiit nitong ang kaso ay tungkol sa paglabag sa tiwala ng publiko at sinabing maghahain sila ng mga opisyal na dokumento, financial records, government reports at mga pampublikong pahayag ni Duterte bilang ebidensya.
Iginiit naman ng depensa na hindi dapat abusuhin ang impeachment process at nasa prosecution ang responsibilidad na patunayan ang mga akusasyon.
Nagpasya rin si Escudero na kailangan ng 16 boto upang mahatulan ang respondent at iniutos ang pagbabalik ng sealed tax records sa Bureau of Internal Revenue.
- Latest


























