^

PSN Opinyon

Ano ito? Bakit gagawing Presiding Officer si Chiz?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KAHINA-HINALA ang planong iluklok si Senator Chiz Escudero bilang Presiding Officer sa paglilitis kay VP Sara Duterte.

Dalawa ang tanong ng mga nagsusulong ng Pananagutan:

• Ito ba ang kapalit na pribilehiyo sa pagsanib ni Escudero sa Mayorya para mahirang na Senate President si Sherwin Gatchalian?

• Pangitain ba ito na papabor kay VP Sara ang senator-judges?

June 3 biglang lumundag si Escudero sa pangkat ng 11 senador ni Tito Sotto. Dahil naging 12 na sila at 11 na lang sina Alan Cayetano, biglang naging SP si Gatchalian. Nabawi ang liderato ng Senado.

Nagkautang na loob sila kay Escudero, kumbaga.

SP si Escudero nu’ng unang na-impeach si VP Sara nu’ng Feb. 5, 2025. Imbis na simulan niya agad ang paglilitis batay sa utos ng Konstitusyon, nagpatumpik-tumpik siya. Namilosopong abogado. Kesyo raw ang ibig ng “forthwith” ay kung kailan niya ito naisin. Kesyo raw pinagtatrabaho siya ng House of Reps maski bakasyon. Kesyo raw dapat hintayin ang resulta ng halalan nu’ng May 2025. Kesyo raw ito, kesyo raw iyan.

Nilabag ni Escudero ang sariling tinakdang impeachment schedules. Imbis na sumumpa bilang Presiding Officer at isumpa ang senator-judges nu’ng June 3, inatras niya sa June 10.

Tapos, kinatigan ni Escudero ang delaying tactics ni Alan Cayetano. Pinabalik ang Articles of Impeachment sa House of Reps., kasi kesyo malabo raw ang mga paratang.

Samantala, pabalik-balik si VP Sara sa Supreme Court para ipatigil ang paglilitis. Sari-saring angal na kesyo raw nilabag ang karapatan niya.

Sa huli, saved by the bell si Escudero. July 25 biglang pinigilan ng SC ang paglilitis. Kesyo raw walang House plenary voting na naganap nu’ng Feb. 5. Pero mali ang 13 mahistrado. May news videos, CCTV footages, at official records na naganap ang plenary voting.

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with