^

Metro

Rider, nanutok ng baril sa sumaklolo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Rider, nanutok ng baril sa sumaklolo
Nahaharap sa rek­lamong paglabag sa Alarms and Scandal o Article 155 ng Revised Penal Code, Grave Threats at Republic Act 10591 (Comprehensive Dangerous Firearms and Ammunition Regulation Act) ang 43-anyos na personal assistant (PA).
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaki na nanutok ng baril sa isang driver na tumulong sa kanya sa gitna ng kalye nang mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at bu­magsak sa intersection ng 8th at 4th Sts., sa Taguig City, Biyernes gabi.

Nahaharap sa rek­lamong paglabag sa Alarms and Scandal o Article 155 ng Revised Penal Code, Grave Threats at Republic Act 10591 (Comprehensive Dangerous Firearms and Ammunition Regulation Act) ang 43-anyos na personal assistant (PA).

Sa ulat na inaresto ang suspek alas-8:20 ng gabi noong Hulyo 3, nang mauwi sa tension ang ginawang pagtulong ng 40-anyos na school service driver, na tinutukan niya ng baril sa halip na pasalamatan.

Sa imbestigasyon, bumagsak umano sa kalsada ang suspek kaya agad na nilapitan ng biktima, itinayo ang motorsiklo sa gilid ng kalsada at nagulat nang tutukan siya ng baril. Lumayo ang biktima at umawat na ang kanyang bayaw na nakasaksi.

Tumawag ng police assistance sa Taguig Police Sub-Station 6 ang iba pang kaanak ng biktima kaya mabilis na narespondehan at kinumpiska ang isang kalibre. 45 Armscor pistol na kargado ng 8 bala.

ARRESTED

GUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with