Fatty Liver: Prevention
Dahil wala pang aprubadong gamot na nagpapawala ng taba sa atay, ang lunas ay nakasalalay sa tamang diyeta, ehersisyo, at pag-aalaga sa katawan.
1. Wastong Diyeta at Pagkain (Dietary Changes).
Bawasan ang matatamis tulad ng soft drinks, milk tea, iced tea, cakes, at mga pastries. Ang sobrang asukal ay mabilis maging taba sa atay.
2. Limitahan ang “Simple Carbs”: white rice, puting tinapay, at patatas. Palitan ng high-fiber foods tulad ng oats.
3. Iwasan ang mamantika: pritong pagkain, fast food, chicharon, at matatabang bahagi ng baboy at baka.
4. Kumain ng “Good Fats”: Pumili ng mga pagkaing may Omega-3 tulad ng isda (sardinas, salmon, tuna) at mga mani.
5. Dagdagan ang gulay at prutas: berdeng gulay (tulad ng malunggay, spinach, broccoli) at mga prutas tulad ng papaya at citrus fruits.
6. Pagpapanatili ng Tamang Timbang (Weight Management) kung overweight dahil napatunayang nakakabawas sa taba at pamamaga ng atay.
7. Regular na ehersisyo.
Maglakad pagkatapos kumain: Ang simpleng paglalakad ng 10 hanggang 15 minuto pagkatapos ng hapunan ay nakakatulong sa metabolismo at pagbaba ng liver fat.
8. Itigil ang pag-inom ng alak dahil sa pagkasira ng cells sa atay.
9. Iwasan ang maling pag-inom ng gamot dahil pinoproseso lahat ito ng iyong atay.
- Latest

















