^

Bansa

Palasyo binira pahayag ni Imee sa INC rally

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Palasyo binira pahayag ni Imee sa INC rally
Sen. Imee Marcos on February 10, 2026.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Pinalagan ng Palasyo ang pahayag ni Sen. Imee Marcos sa rally ng Iglesia ni Cristo (INC) na ang administrasyon ay tulog at lasing sa kapangyarihan.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) undersecretary Claire Castro, personal nilang napanood ang pagsasalita at pagtatalumpati ni Imee.

Paliwanag ni Castro, bilang ang PCO ay kumakalaban at lumalaban sa fake news, ang mga saitang binitiwan ng senadora ay magpapaigting ng galit sa gobyerno at paninira sa Pangulo.

Nakakaawa rin aniya ang mga obstructionist na tulad ni Senadora Imee na umaasa lamang sa fake news para makapanira at maikalat ang mga ganitong klaseng maling impormasyon.

Subalit mas nakaaawa aniya ang mga taong pumapalakpak kay Senador Imee dahil malamang ay hindi nila alam na ang sinasabi nito ay kwentong walang basehan at ginagawa silang mangmang.

Tanong pa ni Castro, bakit masigasig ngayon ang kapatid ng Pangulo na manira sa gobyerno gayung noong 2019 ay senadora na siya at 2016 ay gobernadora na at bakit hindi niya pinuna ang pag-amin ni dating pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ito ng ilegal na droga.

Naniniwala naman siya na lahat ng paninira ni Imee ay may bahid ng politika dahil alam naman ng lahat kung sino ang pinagtatanggol nito at para hindi mailagay sa paglilitis na ang tinutukoy ay si Vice President Sara Duterte.

IMEE MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with