Gen. Tuaño, pinarangalan ng PNP ng 2 awards!
“PAG may tiyaga, may nilaga!” Ang matandang kasabihan na ‘yan ang nagsilbing giya kay PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño upang maengganyo at sumubsob magtrabaho ang kanyang mga tauhan na nagbunga nga naman. Ha? Nang ano? Mga awards po, mga kosa? Naiiba kasi ang estilo ni Tuaño sa kanyang pamumuno at halos ang command group at staff officers n’ya ay halos ayaw ng umalis ng PRO6. Dipugaaaaa! Kung gusto n’yong malaman ang sikreto ni Tuaño, abayyyyy dun na kayo magtanong sa kanyang mga tauhan. Purbidang yawaahhhhh! Peks man, ano nga ba talaga? Ahhhh basta, dahil sa pagpursigi ng kanyang mga tauhan, umani ng “nilaga” si Tuaño at ‘yan nga ay ang dalawang awards na iginawad ssa kanya ng PNP. Sal-it!
Bilang pagkilala sa kanilang tagumpay, ginawaran ang PRO6 ng Special Award on Campaign Against Loose Firearms matapos magtala ng pinakamataas na bilang ng nakumpiska at narekuber na baril sa buong Pinas. Kasabay nito, iginawad din sa PRO6 ang Special Award on the Campaign Against Illegal Fishing dahil nagtala ang rehiyon ng pinakamataas na nakumpiskang kagamitan sa illegal fishing. Tsk tsk tsk! Kelan lang umupo PRO6 si Gen. Tuaño humakot agad ng mga awards.
Ang mga national awards ay iginawad ng Joint Operations Family Conference para sa CY 2026 at ng 4th Regular Meeting ng National Oversight Committee on Anti-Illegal Drugs (NOC-AID) at Enhanced Managing Police Operations (EMPO). Tinanggap ni Tuaño ang mga awards sa Novotel sa Cubao, Quezon City. Congrats Sir! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Binigyan-diin ni Tuaño na ang mga awards ay bunga sa sama-samang pagsisikap ng kapulisan sa PRO6, kabilang na ang suporta ng mga LGUs at iba pang stakeholders sa Western Visayas. “Ang karangalan na ito ay para sa buong PRO6. Mainit na pinasasalamatan ko ang aming personnel, mga local government units, partner stakeholders, at higit sa lahat ang komunidad sa Western Visayas na walang sawang tumutulong sa aming programa at mga operations,” ani Tuaño. “Ang tagumpay na ito ay bunga sa ating pakikipag-isa at pagsisikap upang maging ligtas, matiwasay at mapayapa ang ating komunidad,” ang dagdag pa ni Tuaño. Grabe na toh! Limot ko na mag-Bisaya ah! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi ni Tuaño na tuluy-tuloy lang ang operations nila, hindi lang laban sa loose firearms at illegal fishing, kundi maging sa illegal drugs, cigarette smuggling, “paihi” at iba pang illegal na aktibidades alinsunod sa kautusan ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. “Itong mga awards ay magsisilbing inspirasyon upang lalo naming mapatatag at mapanatili ang aming inisyatiba tungo tahimik ang komunidad,” ang pahayag ni Tuaño. Sana all! Abangan!
- Latest

















