^

Punto Mo

Robin muling itinulak ang edad 10 na criminal liability

Malou Escudero - Pang-masa
Robin muling itinulak ang edad 10 na criminal liability
Naniniwala si Padilla na panahon na para amiyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act dahil dumarami na ang krimen na kinakasangkutan ng mga kabataan na hindi naman basta-basta puwedeng ikulong dahil sa batas.
STAR / Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Muling nanawagan si Senador Robin Padilla para sa agarang pag-amyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act kasunod ng insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong katao nitong Lunes, Hunyo 22.

Naniniwala si Padilla na panahon na para amiyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act dahil dumarami na ang krimen na kinakasangkutan ng mga kabataan na hindi naman basta-basta puwedeng ikulong dahil sa batas.

Ipinaliwanag ni Padilla na nais niyang ibaba sa 10 ang edad ng criminal liability dahil ito ang sinusunod ng mga bansa sa Europa.

“Sa Europe kasi ganoon na eh. Marami din sa Asia ganoon na. Bakit hindi natin gayahin sila tutal tayo naman eh ipinagmamalaki natin na ‘yung mga good practices, mga best practices ng ibang bansa ay sinusunod natin. Bakit hindi natin gawin ‘yun?” ani Padilla.

Idinagdag pa ni Padilla na sa Europe mismo na sinasabing nandoon ang “human rights” ay 10 taong gulang ang sinusunod na edad para sampahan ng kasong kriminal ang isang nagkasala.

Idinagdag ni Padilla na sunud-sunod na ang mga naitatalang krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan kaya panahon na upang aksiyunan ng Kongreso ang kanyang panukala.

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with