Quail Farm ni Yuan Nicolo Jordan
Engineer-Farmer...
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang magandang buhay na tinahak ng isang “Gen Z” na Engineering graduate pero pinili na maging full-time farmer sa pamamagitan ng pag-aalaga ng pugo.
Ang aking tinutukoy ay si Yuan Nicolo Jordan, 24, owner ng Ianne and Kapugo Quail Farm na makikita sa Bawi, Padre Garcia, Batangas.
Si Yuan ay newly graduate ng Industrial Engineer pero dinala siya ng Panginoon sa larangan ng Agrikultura bilang Quail Farmer.
Sinabi ni Yuan, December 2024 ay nagsimula siyang mag-alaga ng 2,000 paitlugang pugo sa isang kural.
Aniya, para maiba naman siya sa kanyang mga magulang na may paitlugang manok ay pugo naman ang sa kanya.
Sinabi ni Yuan, maraming pagsubok ang kanyang pinagdaanan sa pag-aalaga ng pugo pero hindi siya sumuko, sa halip at ipinagkatiwala niya sa Panginoon ang kanyang ginagawa hanggang unti-unting mapalawak at mapaunlad ang kanyang puguan.
Ayon kay Yuan, marami ang kontra o hindi kumbinsido sa larangan ng negosyo na kanyang pinasok pero dasal sa Panginoon ang kanyang naging sandigan.
“Kung duda sila, mas galingan mo pa,” aniya.
Pahayag pa ni Yuan, hindi madali ang pagpupugo, may buwan na may kita, may buwan na walang kita, minsan ay break-even lang, minsan ay lugi pa pero huwag susuko.
“Try and try. If you fail, you learn. If you succeed, you earn,” aniya pa.
Sinabi rin ni Yuan, ang importante ay gusto mo at masaya ka sa iyong ginagawa kahit pagod ka.
Sa ngayon ay bine-bless ng Panginoon ang pagpupugo ni Yuan at kumikita na.
Mula sa 2,000 pugo sa kural, ngayon ay tatlo na ang naipagawang kulungan ni Yuan at nasa 23,000 na ang kanyang mga pugo.
Bukod sa itlog ng pugo ay nagbebenta na rin ngayon si Yuan ng mga sisiw ng pugo.
Sa mga nagbebenta ng masarap at masustansiyang kwek-kwek lalo na sa mga mala-lapit sa mga eskuwelahan ay puwede po kayong dumirektang bumili ng itlog ng pugo kay Yuan.
Sa mga gustong mag-reseller at mag-alaga ng pugo ay mag-text lang po kayo sa 09941205980 or magpadala ng mensahe sa kanyang FB page na Nicolo Jordan.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng a-king TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Ngayong Linggo, June 28, 2026 ay mapapanood ninyo ang aking interview kay Yuan Nicolo Jordan at Farm tour sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay. Noong June 7, 2026 ay ginawaran bilang Lifetime Achievement Award Innovation and Advocacy in Sustainable Agriculture and Urban Gardening ng Dangal ng Lahing Pili-pino ang Magsasakang Reporter na ginanap sa Lime Resort and Hotel sa Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest

















