^

Punto Mo

Himala: gumaling ang breast cancer! (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Kasabay sa pag-undergo ko ng chemotheraphy at radiation, naging deboto ako sa Mahal na Puso ni Hesus (Sacred Heart) at Mahal na Birhen ng Lourdes. Hindi ko malilimutan ang pangyayari kung saan, ang lumang ­larawan ng Sacred Heart of Jesus at Mahal na Birhen ng Lourdes ay nakita ko sa lumang kahon na lalagyan ng mga abubot sa isa naming kuwarto. Kasama niyon ang mga lumang damit at mga papeles sa lupa at kung anu-ano pang mga dokumento. Hindi ko matandaan kung paano napunta roon ang lumang larawan ng Sacred Heart of Jesus at Mahal na Birhen ng Lourdes. Hindi ko rin matandaan kung sa akin ang mga larawan na iyon o pinagkaloob sa akin ng namayapa kong ina. Ang natatandaan ko—noong dalaga pa ako, bumibili ako ng mga dasalan, ­larawan at rosary sa Evangelista, Quiapo. Hindi ko matandaan kung doon ko binili ang ­larawan ng Sacred Heart of Jesus at ang Mahal na Birhen ng Lourdes.

Nangungupas na ang mga larawan. Binalutan ko ang mga iyon ng plastic cover. Sa aming kuwarto ay gumawa ako ng munting altar at doon ko inilagay ang larawan ng Mahal na Birhen ng Lourdes at Sacred Heart. Bukod sa dalawang imahe, may larawan din doon ng Santo Niño at iba pang santo. Araw-araw at gabi-gabi ay nagdarasal ako sa altar. Hiniling ko sa Panginoong Hesus at Mahal na Birhen ng Lourdes na kaawaan ako at pagalingin sa cancer. Sa tindi ng ­panalangin, tumutulo ang aking luha.

(Itutuloy)

SACRED HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with