^

Metro

Bebot na smuggler ng ecstasy, habambuhay kulong

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bebot na smuggler ng ecstasy, habambuhay kulong
Sa desisyon ng Pasay City Regional Trial Court Branch 298, napatunayang guilty si Charito Casamello, alyas “Chat” o “Chari,” sa ilegal na pag-aangkat nang mahigit 1.4 kilo ng ecstasy.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Habambuhay na pagkabilanggo at multang P1 milyon ang ipinataw na sentensya sa isang babae na napatunayang guilty sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002) kaugnay sa pagpupuslit ng ecstasy papasok sa bansa.

Sa desisyon ng Pasay City Regional Trial Court Branch 298, napatunayang guilty si Charito Casamello, alyas “Chat” o “Chari,” sa ilegal na pag-aangkat nang mahigit 1.4 kilo ng ecstasy.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nag-ugat ang kaso sa interdiction ope­ration ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group noong Hunyo 2023 matapos masabat ang isang parcel na may lamang ilegal na droga.

Tiniyak ni Nerez na magpapatuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan, paliparan, at courier channels upang mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.

ECSTACY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with