Pilipinas, No. 1 sa Budget Transparency sa Southeast Asia
MANILA, Philippines — Nananatili pa ring nangunguna ang Pilipinas sa Southeast Asia pagdating sa budget transparency, ayon sa pinakahuling Open Budget Survey (OBS) ng International Budget Partnership (IBP).
Sa isinagawang pagsusuri noong 2025, nakakuha ang bansa ng 76 sa 100 transparency score, dahilan upang pumuwesto ito sa ika-1 sa Southeast Asia at ika-10 sa buong mundo. Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na nanguna ang Pilipinas sa rehiyon, matapos ding makamit ang parehong pagkilala noong 2023 sa ilalim ng pamumuno ni dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman.
Ang OBS ay kinikilalang tanging independiyenteng pandaigdigang pagsusuri ng budget transparency, accountability, at public participation ng mga pamahalaan.
Layunin nitong itaguyod ang mas bukas, responsable, at mahusay na pamamahala.
- Latest





















