^

Metro

PNP naka-full alert status

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP naka-full alert status
Authorities tighten security along Claro M. Recto Avenue and Ayala Bridge in Manila on June 30, 2026 following the lockdown of Malacañang due to ongoing protests in Metro Manila.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Isinailalim ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa full alert status ang lahat ng yunit nito sa buong bansa kasunod ng isinagawang kilos-protesta ng mga miyembro ng INC.

Ito ‘y upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bukod sa People Power Monument, na-monitor din ng pulisya ang maliliit na pagtitipon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, Greenhills sa San Juan, at Mandaluyong City. Tinatayang mahigit 10,000 katao ang nasa People Power Monument hanggang alas-11:00 ng umaga.

Halos 6,000 pulis at iba pang security personnel ang ipinakalat sa EDSA Shrine, Senado, Mendiola, Ayala Bridge, U.S. Embassy, Liwasang Bonifacio at iba pang mahahalagang lugar upang tiyakin ang seguridad.

Ayon kay PNP PIO cheif PCol. Allan Rae Co, may impormasyon ang PNP hinggil sa planong protesta kaya agad na inihanda ang mga yunit nito. Isinailalim din sa pinakamataas na alerto ang National Support Units, kabilang ang Special Action Force, Criminal Investigation and Detection Group, Highway Patrol Group, Maritime Group at Aviation Security Group.

Ikinasa ang kilos-protesta isang araw matapos ihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magsasampa ang kanyang tanggapan ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta, na miyembro ng INC, kaugnay ng iniimbestigahang P75-milyong campaign donation.

Nilinaw naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na wala silang ipinatupad na road closure kaugnay sa rally.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with