^

Bansa

Putin pinalaya 24 Pinoy na nakapiit sa Russia

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Putin pinalaya 24 Pinoy na nakapiit sa Russia
Russia's President Vladimir Putin greets Philippine President Ferdinand Marcos Jr. during a ceremony to welcome Southeast Asian leaders and heads of delegations participating in the Russia-ASEAN summit, which commemorates 35 years of collaboration between Russia and the ASEAN countries, in the central Russian city of Kazan, around 700 kilometres (435 miles) east of the capital Moscow, on June 17, 2026.
AFP / Alexander Nemenov

MANILA, Philippines — Pinayagan ni Russian President Vladimir Putin na mapalaya ang may 24 Fillipino na nakapiit sa Irkutsk sa Siberia.

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kapihan press briefing sa Kaza, Russia, matapos ang ASEAN-Russia Commemorative Summit.

Ang naturang mga Filipino ay sinasabing nakapiit dahil sa immigration issues matapos silang mabiktima ng illegal recruiters at nakalulong ng halos siyam na buwan.

Ayon kay Pangulong Marcos, tinawag niya ang atensyon ni Putin tungkol sa naturang mga Pinoy sa kanilang bilateral meeting na agad namang pinalaya ang may 24 Pinoy at ngayon ay ipapa-deport na pabalik dito sa bansa.

“Nong nag-bilateral meeting kami ni President Putin, binanggit ko ito. At nagulat din siya. Ang sabi niya, ‘Hindi ko alam yan, pag-aaralan namin, titingnan namin ang nangyari,” ayon kay Marcos.

Wala naman aniyang iba pang balita tungkol sa kondisyon ng 24 Pinoy maliban na wala silang iba pang kaso.

MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with