^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala pang nakahandang evacuation centers

Pang-masa

ISANG low pressure area ang inaasahang magi­ging bagyo at papasok sa bansa sa Sabado. Ayon sa PAGASA, tatawagin itong “Francisco”. Tinutumbok umano nito ang Hilagang Luzon.

Kung mananalasa ang nasabing bagyo, malaking katanungan na naman kung saan dadalhin ang mga pamilyang maaapektuhan. Tiyak na ililikas ang mga naninirahan malapit sa dagat at ilog.

Kung magkakaroon ng paglilikas sa mga residente, problema na naman kung saan sila dadalhin. Walang evacuation center na sisilungan. Kawawa na naman ang mga bata at matanda. Magsisiksikan sila sa mga paaralan at covered court na ginawang evacuation centers.

Sa loob ng isang taon, 24 na bagyo ang dumadalaw at pawang mapanira. Halimbawa rito ang Bagyong Yolanda na tumama sa mga probinsiya sa Visayas noong Nobyembre 2013 at nag-iwan nang maraming patay. Maraming bahay ang nawasak.

Nang tumama ang Bagyong Ondoy noong Set­yembre 2009, nagdulot ng pagbaha sa Metro Manila. Maraming namatay. Maraming bahay ang nasira.

Maraming kalamidad ang tumatama sa bansa at sa kabila nito, walang matibay, kumpleto at desen­teng evacuation centers sa bawat bayan. Siksikan sila sa pampublikong eskuwelahan at nagkakahawahan ng sakit.

Hindi lamang ang pagdalaw ng mga bagyo ang kinatatakutan ng mamamayan, kundi pati na rin ang pagtama ng lindol. Kamakailan lang, niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Gen. Santos City, Sarangani at iba pang probinsiya sa Mindanao. Maraming bahay at establishments ang nawasak. Ayon sa report, 78 ang naitalang patay sa lindol. Marami sa mga biktima ang ayaw pang umuwi dahil sa takot na yumanig muli. Nakikitira sila sa mga kamag-amak.

Sa nilagdaang 2026 national budget, may naka­­laang P3.6 bilyon para sa construction ng mga eva­cuation centers o ang tinatawag na Ligtas Pinoy Centers. Nasa ilalim ito ng pamamahala ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Isakatuparan ang paglikha sa desenteng evacuation centers upang hindi maging kaawa-awa ang mga biktima ng kalamidad. Kung hindi isasakatuparan ang pagpapagawa ng evacuation centers, kawawa ang mga biktima lalo ang mga bata at matanda. May pondo naman para rito kaya walang dahilan para hindi ma­umpisahan ang pagtatayo ng evacuation centers.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with