^

PSN Palaro

Czechia giba sa depensa ng USA

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Czechia giba sa depensa ng USA
Pasok ang hataw ni Logan Eggleston ng USA sa depensa ng Czechia players sa Philippine Leg VNL.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Pinalo ng USA ang da­lawang sunod na panalo matapos nilang dominahin ang Czech Republic, 25-17, 25-12, 25-16 sa Philippine Leg ng Volleyball Nations League (VNL) women’s week 2 na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City kahapon.

Nirehistro ng American netters ang 5-1 karta sa kompetisyon na suportado ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick “Pato” Gregorio.

Unang pinagpag ng USA ang Dominican Republic, 25-20, 25-19, 25-12 noong Miyerkules sa unang araw ng labanan dito sa Pilipinas.

Naghabol pa ng isang puntos ang USA, 8-9 sa third frame, pero humarurot sila ng 9-0 run upang agawin ang lamang at hawakan ang eighth-point lead, 17-9.

Pinamunuan ni Jordan Thompson ang opensa para sa USA sa tinikadang 15 points mula sa 14 attacks at isang block, tig- 11 puntos naman ang inambag nina Chiaka Ogbogu at Logan Eggleston habang may siyam ang kinana ni Avery Skinner.

Walang player mula sa Czechia ang umiskor ng double-digit, tumipa lamang si Magdalena Jehlarova  ng eight points, wala pa rin silang naipapa­nalo sa Philippine Leg sa dalawang salang.

Nalasap ng Czechia ang pangatlong talo sa anim na laban.

Pahinga ang USA nga­yong araw, pero mapapalaban sila bukas, (Sabado) dahil makakatapat nila ang defending champion Italy.

Sisikapin naman ng Czechia na makasungkit ng panalo sa Manila, pagharap nila ngayong araw kontra Japan.

VOLLEYBALL NATIONS LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with