Taxi driver rumaket na ‘tulak’, tiklo
MANILA, Philippines — Isang 38-anyos na taxi driver na rumaraket na ‘tulak’ ang dinakip matapos makumpiskahan ng P102,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy- bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa lungsod.
Ayon kay QCPD Director, PBGen Randy Glenn Silvio, ang suspek ay nakilalang si alyas “Mark Anthony,” 38, ng Brgy. Paltok, Quezon City.
Sa ulat ni PLtCol. Rolando Baula, hepe ng Masambong Police Station (PS 2) ng QCPD, nakipag-transaksyon ang kaniyang mga operatiba sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR), sa suspek sa bahay nito at sa buy-bust ay agad itong dinakip matapos makumpiskahan ng P7,500 shabu.
Nasamsam din sa suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000 at ang buy-bust money.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek.
- Latest






















