^

Bansa

5 ex-bagmen ni Co, humarap sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lima sa 18 umano’y naging bagmen ni dating cong. Zaldy Co ang nagtungo kahapon sa Office of the Ombudsman para magbigay ng pahayag kaugnay ng flood control scam.

Ito ang pangalawang araw ng fact-finding investigation ng Ombudsman sa mga alegasyon ng 18 bagmen na nagdala sila ng male-maletang pera sa matataas na opisyal ng gobyerno na kickback umano sa flood scam.

Kabilang sa lima si Johnny Buduan na nauna nang sumalang sa interogas­yon ng Ombudsman noong Huwebes, Hunyo 11. Kinumpirma ng kanilang legal counsel na si Atty. Levi Baligod, na mi­yembro ng 18-bagmen ang limang dumating kahapon sa Ombudsman pero hindi tinukoy ang pangalan ng apat.

Makaraan ang interogasyon, agad lumabas ng Ombudsman ang lima pero hindi na sila humarap sa media. Maging si Atty. Baligod ay ‘di na rin humarap sa media para sa detalye sa kung ano ang naging takbo ng interogasyon.

ZALDY CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with