^

Metro

9 tirador ng kable, kalaboso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
9 tirador ng kable, kalaboso
Batay sa ulat kay PLtCol. Gemmer Tubiera, hepe ng Batasan Police (PS 6), alas-4:00 ng madaling araw nitong Linggo habang nagsasagawa ng mobile patrol operations ang kanyang mga tauhan nang namataan ang mga suspek na pinuputol at tinatanggal ang mga underground copper tele­communications cables na pag-aari ng PLDT Inc.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

MANILA, Philippines — Arestado ang siyam na lalaki na sangkot sa naudlot na tangkang pagnanakaw ng mga telecommunications cable sa Commonwealth Avenue, Brgy. Matandang Ba­lara, Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.

Batay sa ulat kay PLtCol. Gemmer Tubiera, hepe ng Batasan Police (PS 6), alas-4:00 ng madaling araw nitong Linggo habang nagsasagawa ng mobile patrol operations ang kanyang mga tauhan nang namataan ang mga suspek na pinuputol at tinatanggal ang mga underground copper tele­communications cables na pag-aari ng PLDT Inc.

Huli sa aktong kinakaladkad ng mga suspek ang mga kable patungo sa isang utility vehicle gamit ang heavy-duty na metal chain.

Nang lapitan ng mga awtoridad ang mga suspek, mabilis na nagsitakbo sa iba’t ibang direksyon ngunit agad ding nadakip sina alyas “Jayson”, 36, “Jimlyn”, 32, “Michael”, 50, “Eduardo,” 45, “Jayson,” 31, “Rogelio”, 55, “Leoncio,” 49, “Joselito,” 18, at “Jemar,” 18.

Nasamsam sa mga suspek ang 1,500 pares ng 26-gauge PLDT FSF underground copper ­cables na nagkakahalaga ng P163,852.25, kasangkapan sa pagputol ng mga kable, closed utility van na gagamitin sana sa mga nanakawing kable. Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Section 4(d) ng Republic Act No. 10515, o mas kilala bilang Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013, at Article 308 ng Revised Penal Code, o Theft.

JEMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with