^

Probinsiya

Yate may kargang ayuda nasunog: 42 nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apatnapu’t dalawang volunteers ang nasagip makaraang aksidenteng masunog ang sinasakyan nilang yate na may kargang mga relief supplies na dadalhin sa mga biktima ng 7.8 magnitude ng lindol sa Mindanao nitong Biyernes, ayon sa ulat kahapon.

Sa report na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD), nangyari ang insidente sa pagitan ng alas-11:30 ng tanghali at alas-12 ng hapon.

Ang 42 volunteers ay ligtas na nasagip at dinala na sa Brgy. Pangyan, Glan, Sarangani na isa sa pinakamatinding tinamaan ng 7.8 magnitude ng lindol noong Hunyo 8. Wala namang nasugatan sa hanay ng naturang mga volunteers.

Base sa video footage na ipinoste sa Facebook page ng Adventists Southern Asia-Pacific Philippines, makikita ang pagsagip at paglilipat ng mga volunteers mula sa nasunog na yate pasakay sa mas maliit na bangka.

Sa ulat, bigla na lamang umusok ang nasabing yate at sumiklab ang sunog na mabilis na kumalat sa naturang sasakyang pandagat.

Agad namang nagresponde ang mga elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) at sinaklolohan ang nasabing mga volunteers.

Sinabi naman ni Pastor Nildo Mamac, president ng Southen Mindanao Mission, 5% lamang ang natira sa mga relief supplies sa nasunog na yate.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with