^

Probinsiya

Top leader ng terror group utas sa shootout!

John Unson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Top leader ng terror group utas sa shootout!
Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang may P3-milyong patong sa ulo na BIFF top leader na si Esmael Abubakar alyas “Bongos” makaraang mat- adtad ng bala nang makipagbarilan sa mga pulis at sundalo sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, nitong Linggo ng madaling araw.
John Unson

May patong na P3 milyon sa ulo

MANILA, Philippines — Napatay ng mga sundalo at pulis sa isang engkuwentro ang mata­gal nang wanted na pinakamataas na lider ng isang faction ng nabuwag ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na may patong sa ulo na P3 milyon sa Barangay Calsada, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Linggo ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa ospital ang wanted na si Esmael Abubakar, alyas “Kumander Bongos” dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan nang makipagpalitan ng putok sa tropa ng 601st Infantry Brigade, 6th Infantry Division at mga pulis na aaresto sana sa kanya bitbit ang warrant of arrests sa mga kasong criminal na kanyang kinakaharap, sa dalawang regional courts sa Cotabato City.

Sa mga hiwalay na ulat nitong umaga ng Linggo ni Major Gen. Jose Vladimir Cagara, commander ng 6th ID, at ni Brig. Gen. Edgar Catu ng 601st Infantry Brigade, hindi na umabot nang buhay si Abubakar sa isang ospital kung saan siya dinala ng mga civilian emergency responders at mga pulis mula sa Sultan Kudarat Municipal Police Station upang malapatan sana ng lunas.

Nagtulungan ang 601st Infantry Brigade, ang 6th ID at ang mga officials ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, kabilang ang police director ng Maguindanao del Sur na si Col. Michael John Mangahis, sa pagkasa ng naturang anti-terror operation, ayon mga local executives at Islamic preachers hinggil sa presensya ni Abubakar sa Brgy. Calsada, Sultan Kudarat.

Nabatid na tumakas mula sa Maguindanao del Sur si Abubakar at nagtago sa Sultan Kudarat dahil sa walang tigil na mga joint Army-police operations laban sa kanya at ilang natitira pang tauhan sa ilang bayan sa probinsyang kanyang nilisan.

Ang Bongos faction na pinamumunuan ni Abubakar, ang itinuturong responsable sa mga pambobomba, mula 2014 hanggang 2022, ng mga bus at mga commercial establishments sa Central Mindanao na tumangging magbigay ng “protection money” ang mga may-ari.

BONGOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with