^

Metro

Coach ng Ateneo ipinatawag ng DOLE

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa pagkamatay ng 2 basketball player

MANILA, Philippines — Ipinatawag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang basketball team head coach ng Ateneo de Manila University na si Tab Baldwin, kaugnay ng insidente ng pagkalunod sa Aurora, na ikinasawi ng dalawang manlalaro ng unibersidad.

Nabatid na inisyuhan ng show cause order ni DOLE Secretary Francis Tolentino si Baldwin at inatasan na humarap sa kanyang tanggapan sa Intramuros, Manila dakong 10:00AM ng Hunyo 15, at patunayan na may sapat siyang dokumento upang magtrabaho sa bansa bilang dayuhan.

Pagpapaliwanagin din umano nila ito hinggil sa naturang drowning incident na naganap sa isang resort sa Aurora noong Hunyo 8.

Bagamat hawak ng DOLE ang Alien Employment Permit (AEP) ni Baldwin, sinabi ni Tolentino na layunin ng summon na bigyan ang coach ng pagkakataon na magpaliwanag bilang bahagi ng due process.

“If he is compliant, then there is nothing to fear. But if he is not, then the DOLE will act accordingly. This is not about persecution, this is about the rule of law,” dagdag pa ni Tolentino, sa isang press briefing

Matatandaang una nang kinumpirma ng pulisya na nalunod sina Ateneo basketball players Rene Baterbonia at Divine Adili matapos na hampasin ng malalakas na alon habang naglalakad sa dagat na may lalim lamang na hanggang baywang.

Ipina-subpoena na rin ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group ang coaching staff at mga players na dumalo sa team building ng ADMU bilang bahagi ng fact-finding efforts ng CIDG na pagtukoy kung may paglabag sa Republic Act No. 11053, o Anti-Hazing Act of 2018 — Angie dela Cruz

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with