^

Punto Mo

EDITORYAL — Handa ba sa ­pagtama nang ­malakas na lindol?

Pang-masa

AYON sa Office of Civil Defense (OCD), 45 na ang naitatalang patay sa 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Sarangani, General Santos City noong Lunes ng umaga at marami pa ang hinahanap. Nangyari ang lindol dakong 7:37 ng umaga kasabay sa pagbubukas ng klase. Nakakikilabot isipin, paano kung tumama ang lindol sa kasagsagan na ng klase. Tiyak maraming estudyante at guro ang magbubuwis ng buhay sa hindi inaasahang trahedya.

Ang pananabik ng mga mag-aaral sa pagbabalik eskuwela ay napalitan nang matinding takot. ­Maraming estudyante ang nag-iyakan habang nasa labas ng eskuwelahan. Pati ang mga magulang na maghahatid sa kanila ay nahintakutan at hindi malaman ang gagawin. Ang kanilang mga anak ang lubos nilang inalala sa oras na iyon.

Kasunod nang pagyanig ay ang pagguho nang maraming establishments kabilang ang isang fastfood chain na biglang bumagsak. Nakuhanan ng video ang unti-unting pagbagsak ng gusali. Nagkabitak-bitak ang mga kalsada.

Ayon sa mga eksperto mula sa UP National Institute of Geological Sciences, ang pagyanig ay kahalintulad ng lindol na tumama sa Luzon noong Agosto 1990 kung saan maraming  gusali at hotel ang nawasak.

Ang lindol sa Sarangani ay nag-iiwan ng isang napakabigat na katanungan: Gaano katibay ang mga gusaling pinapasukan araw-araw? Dito pumapasok ang mapait na katotohanan. Taun-taon, nagsasagawa ang bansa ng earthquake drills sa mga paaralan at opisina. Itinuturo ang hakbang na “duck, cover, and hold,” ngunit walang silbi ang anumang pagtatago kung ang mismong kisame at semento ay babagsak sa katawan at ulo.

Ngayon ay maiisip kung paano na ang buong bansa kung sakaling tumama ang kinatatakutang “The Big One”? Handa ba ang mamamayan at gobyerno ukol dito. Mayroon bang plano?

Ang trahedya at pagkawasak sa Soccsksargen ay hindi lamang isang lokal na krisis; ito ay ang pinaka­mabigat na stress test at babala para sa buong Pilipinas. Ang tunay na kahandaan ay hindi lamang nasusukat sa bilis ng rescue operations o pag-anunsyo ng class suspension, kundi sa masinsinang mitigation at pagpapatibay ng mga istruktura bago pa man yumanig ang lupa.

Hindi na sapat ang mga pampublikong drill. Panahon na upang seryosohin ng national at local na pamahalaan ang malawakang structural audit at agarang pagpapaayos ng mga marurupok na paaralan, ospital, simbahan at gusali.

Magkaroon ng masinsinang pag-iinspeksiyon kung maari pang gamitin ang mga gusali, hotels, ospital, schools, mga tulay at iba pang istruktura. Nararapat maging handa sa mas mabagsik pang pagyanig.

EARTHQUAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with