^

Punto Mo

Pinigil ang huling sahod dahil sa shortage

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Hello po, kailangan ko lang po ng payo kung tama ba ang ginawa ng aking employer. Sinasabi nila na may total shortage ako na P15,000 at pinigil nila ang aking final pay, 13th month pay, at savings. Sabi nila, ibibigay lamang nila ang mga ito kapag nabayaran ko na ang P15,000 shortage. — MC

Dear MC,

Hindi basta-basta maaaring ipagkait sa iyo ng iyong employer ang lahat ng iyong final pay, 13th month pay, at savings dahil lamang sa isang paratang na ikaw ay may shortage. Sa ilalim ng Article 116 ng Labor Code, ipinagbabawal ang pagwi-withhold o pagkakait ng sahod mula sa empleyado nang walang pahintulot nito. Ang sahod na pinaghirapan ay protektado ng batas, at hindi maaaring i-withhold ito upang pagbayarin ang empleyado ng isang halagang hindi pa naman napapatunayang siya nga ang may sala kaya nawala.

Tungkol naman sa deductions o sa pag-awas sa sahod  para sa nawalang halaga o ari-arian, may mga kondisyong dapat sundin ang employer bago ito gawin. Hindi sapat na sabihin lamang ng employer na may shortage ang isang empleyado. Kailangan munang mapatunayan na ang empleyado nga ang malinaw na may pananagutan sa nawalang halaga, na siya ay nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag o sumagot sa paratang, at ang halagang ibabawas ay patas at hindi lalampas sa aktwal na halaga ng pagkalugi. Kung hindi sinunod ng employer ang mga kondisyong ito at basta na lamang ibinawas sa sahod ng empleyado ang shortage ay masasabing may labor violation.

Bukod dito, ang iyong 13th month pay ay isang benepisyong itinakda ng batas at hindi ito maaaring basta i-withhold o ipagkait sa iyo. Ganoon din ang iyong savings, lalo na kung ito ay nagmula sa iyong sariling kontribusyon. Ayon din sa Department of Labor and Employment (DOLE) Labor Advisory No. 06, Series of 2020, ang final pay ng isang empleyado ay dapat na ibigay sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagtatapos ng kanyang trabaho, maliban na lang kung may mas maikling panahon na itinakda ang policy ng kompanya o ang employment contract.

Kung naniniwala kang hindi naman totoong may shortage ka, o kung hindi ka binigyan ng pagkakataong magpaliwanag, maaari kang sumangguni sa DOLE para sa karagdagang gabay o para ikaw ay makapagsampa ng reklamo kung kinakailangan. Maipapayo ko na humingi ka ng nakasulat na breakdown ng umano’y shortage mula sa iyong employer upang malaman mo kung saan nanggaling ang paratang sa iyo.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan.

SALARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with