^

Bansa

‘Maleta Boys’ inisnab Blue Ribbon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
‘Maleta Boys’ inisnab Blue Ribbon
Iniharap nina Sen. Robin Padilla at Atty. Levito Baligod ang 18 “Maleta Boys,” sa isang press conference sa opisina ng una sa Senado. Hindi sumipot ang 18 sa patawag ng Senate Blue Ribbon ni Sen. Erwin Tulfo kahapon.
Noel B. Pabalate

Tumambay lang sa opis ni Robin

MANILA, Philippines — Inisnab ng 18 mga dating bagmen ni dating congressman Zaldy Co ang Senate Blue Ribbon committee ni Sen. Erwin Tulfo kahit pa inimbitahan sila at nagtungo sa Senado.

Sa halip na dumiretso sa plenaryo, sa tanggapan ni Sen. Robin Padilla nagtungo ang 18 na personal pang sinundo ni Padilla saka dinala sa kanyang opisina na nasa ikalimang palapag ng Senate building.

Dumating din ang abogado ng 18 na si Atty. Levito Baligod pero hindi rin ito nagpakita sa plenaryo.

“Sa kabila ng ating imbitasyon sa kanila na dumalo sa pagdinig, mas gusto nilang magtungo sa opisina ni Sen. Robin Padilla at doon mag-mo­nitor at mag-live din…at magpa-presscon,” sabi ni Tulfo. “They’re here in the building…pero ayaw po nilang bumaba dito.”

Nagbabala naman si Sen. Francis Pangilinan na ang patuloy na pagtanggi ng grupo na dumalo sa imbestigasyon ay maaaring mauwi sa isang contempt citation.

“Maaari natin, sa tamang panahon, pilitin sila na dumalo, i-subpoena sila at kung tumanggi sila, maaari nating ipa-cite sila sa pag-contempt at baka arestuhin - kapag ang Blue Ribbon ay ganap nang nabuo,” ani Pangilinan.

Sinabi naman ni acting Senate President Sherwin Gatchalian na nais niyang tanungin ang 18 dating bodyguards tungkol sa mga “gaps” at “inconsistencies” sa kanilang mga sinabi. Hindi rin aniya dapat mamili ang 18 kung saan nila gustong magsalita.

Nauna rito, umangal ang Armed Forces of the Philippines sa pagtawag sa 18 indibiduwal na mga ex-marines dahil hindi naman umano lahat ng mga ito ay naging sundalo dahil 12 sa kanila ay natanggal dahil sa iba’t ibang kaso.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with