^

Bansa

Tawagin silang ‘18 basurero’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Palasyo sa 18 ‘ex-Marines’

MANILA, Philippines — Tinawag ng Palasyo na “18 basurero” ang tinaguriang 18 ex-marines. Ito ay matapos bansagan ni Sen. Raffy Tulfo na “18-kargador” ang mga ito kasunod na rin ng panawagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kung maaari ay tawagin na lamang silang “18 witnesses o 18 bodyguards”.

Ayon kay Palace Press Office Atty. Claire Castro base sa kanyang pananaw, kahit na ano pa ang itawag sa kanila - “18 Kargador,” “18 Maleta Boys” at “18 ­Basurero” ay maaari naman na pang-describe sa kanila.

Paliwanag ni Castro, kaya niya tinawag itong basurero ay dahil na rin sa pag-amin ng mga ito na basura ang kanilang kinukuha at dinadala.

Nakiusap lang aniya ang AFP na huwag na silang tawagin na ex-Marines dahil wala na serbisyo ang mga ito noong sila ay pumasok bilang bodyguards ni Zaldy Co.

“So, “18 Kargadores or 18 Basurero” puwede naman po silang i-describe ng ganoon,” saad pa ni Castro.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with