10 uri ng tao na dapat pag-ingatan
NARITO ang ilang uri ng tao na dapat pag-ingatan pagdating sa pagtitiwala:
1. Sinungaling - Madalas magsinungaling kahit sa maliliit na bagay, kaya mahirap malaman kung kailan sila nagsasabi ng totoo.
2. Tsismoso o tsismosa - Kung kaya nilang ikuwento sa iba ang sikreto ng ibang tao, malaki ang posibilidad na gawin din nila ito sa iyo.
3. Mapagsamantala - Lumalapit lamang kapag may kailangan o pakinabang na makukuha.
4. Balimbing - Iba ang sinasabi sa harap mo at iba naman kapag nakatalikod ka.
5. Hindi marunong managot - Laging may dahilan at laging may ibang sinisisi kapag may pagkakamali.
6. Inggitero o inggitera - Nahihirapang matuwa sa tagumpay ng iba at maaaring gumawa ng paraan para hilahin ka pababa.
7. Mapanlinlang - Mahusay magsalita ngunit hindi tugma ang kanilang mga salita sa kanilang mga kilos.
8. Paulit-ulit na nangangako ngunit hindi tinutupad - Hindi nasusukat ang pagkatao sa rami ng pangako kundi sa rami ng pangakong natutupad. Madaling magsabi ng “gagawin ko,” “nandito lang ako,” o “maaasahan mo ako,” ngunit kung paulit-ulit naman itong napapako, unti-unting nawawala ang kredibilidad ng isang tao.
9. Nananakit o nangmamanipula - Ginagamit ang guilt, takot, o emosyon upang makontrol ang ibang tao.
10. Walang integridad - Binabago ang prinsipyo depende sa sitwasyon o kung sino ang kaharap.
Isang katotohanan sa buhay: “Mas mabuting magtiwala nang dahan-dahan kaysa magtiwala nang mabilis at magsisi nang matagal.”
- Latest















