^

Bansa

Ridon nagbitbit ng maleta na puno ng mangga, peluka

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ridon nagbitbit ng maleta na puno ng mangga, peluka
Nagdala si Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ng maleta na puno ng hinog na mangga at mga peluka sa harap ng media nitong Sabado para kontrahin ang umano’y mga maleta ng pera na binanggit ng 18 “ex-Marines”.

MANILA, Philippines — Nagpakita ng kakaibang “exhibit” si Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, miyembro ng impeachment prosecution panel, nang magdala siya ng maleta na puno ng hinog na mangga at mga wigs sa harap ng media nitong Sabado.

Layunin nitong pasubalian ang umano’y mga maleta ng pera na binanggit ng 18 ex-Marines na iniharap nina dating Senate President Alan Peter Cayetano at Sen. Rodante Marcoleta sa kanilang hindi awtorisadong Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng imbestigasyon sa flood control projects.

Sa Press News Forum sa Dapo Restaurant, Quezon City, binuksan ni Ridon ang maleta at ipinakita ang laman.

“Meron po tayong dalang maleta ngayong araw na ito. Hindi po lahat ng maleta may pera, mga kaibigan,” ani Ridon habang ipinapakita ang mangga at peluka.

Ginawa niya ang hakbang bilang tugon sa pagdinig noong Huwebes kung saan sinabi ng mga testigo na nag-deliver umano siya ng maleta.

“Spectacle is not evidence,” giit ni Ridon, na sinabing hindi matitinag ang prosecution panel sa mga kasinungalingan at gawa-gawang testimonya ng mga testigo na halatang kino-coach pa.

Sa social media, binansagan ng mga netizen si Cayetano bilang “mangga” at si Marcoleta naman bilang “wigs” dahil sa buhul-buhol na kuwento ng mga testigo.

“The House and the House Prosecution Panel will not be deterred. Hindi po kami magpapapigil sa mga kasinungalingan at fabricated testimonies. Tuloy ang impeachment trial,” diin ni Ridon.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with