^

Bansa

Marcoleta kino-coach ang ‘ex-Marines’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sablay umano ang kredibilidad ng 18 nagpakilalang ex-Marines matapos ibunyag ni Atty. Dino de Leon, convenor ng civil society group na Team Pinas, na kino-coach sila ni Sen. Rodante Marcoleta sa kanilang testimonya hinggil sa umano’y pagde-deliver ng male-maletang pera sa mga pulitiko at kilalang persona­lidad sa gobyerno.

Ayon kay de Leon, ginagamit lamang ng grupo nina dating Senate President Alan Peter Cayetano at Marcoleta ang natu­rang mga testigo para pigilan ang pananagutan at siraan ang mga kritiko ng mga Duterte kaugnay ng impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte.

Sa isang forum sa Que­zon City, binigyang-diin ni de Leon na kaduda-duda ang kredibilidad ng 18 kung susuriin ang kanilang backgrounds at service records.

“I don’t even want to label them 18 Marines, 18 bodyguards. ‘Di nga natin alam kung ano ba talaga sila. Una, at least apat sa kanila, wala talagang track record of service sa AFP. Pangalawa, some of them were dishonorably discharged,” sabi ni de Leon.

Bilang litigator, binatikos ni de Leon ang paraan ng pagdinig ng Cayetano bloc. Aniya, may mga bahagi ng pagtatanong na leading questions, na malinaw na nagga-guide sa mga testigo.

“Mas kabisado pa ni Rodante Marcoleta ‘yung testimonya kaysa sa kanila mismo,” giit ni de Leon.

Halata aniya ang coaching: “Parang tinuturuan on the spot, rehearsed na nga, kino-coach pa.”

Kapansin-pansin din umano na ang mga idinidiin sa flood control scam ay mga House prosecutors at anti-corruption advocates.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with