Knicks itinakas ni Brunson sa game 2

SAN ANTONIO — Isinalpak ni point guard Jalen Brunson ang isang free throw sa huling 9.5 segundo matapos ang krusyal na turnover ni Spurs center Victor Wembanyama sa 105-104 paglusot ng New York Knicks sa Game 2 at kunin ang 2-0 sa NBA Finals.
“What a ballgame,” sabi ni New York coach Mike Brown sa kanilang pag-eskapo sa San Antonio kung saan naimintis ng 7-foot-4 na si Wembanyama ang isang jumper sa pagtunog ng final buzzer.
Humakot si Karl-Anthony Towns ng 21 points at 13 rebounds at umiskor sina Brunson at Mikal Bridges ng tig-20 markers para sa ika-13 sunod na ratsada ng Knicks sa playoff games.
Ito ang second-longest streak ng anumang koponan sa NBA playoff history.
“New York City showed up,” wika ni Towns. “The fans showed up. The energy showed up. And we found a way to get it done.”
Sila rin ang ikatlong tropa na naipanalo ang unang dalawang laro sa NBA Finals sa road games matapos si Michael Jordan at ang Chicago Bulls noong 1993 at si Hakeem Olajuwon at ang Houston Rockets noong 1995.
Kapwa dumiretso sa paghahari ang Bulls at Rockets.
Hangad ng Knicks ang kanilang unang korona matapos noong 1973 at pangatlo sa kabuuan.
Kumamada si Wembanyama ng 29 points sa panig ng Spurs habang may 20 markers si De’Aaron Fox.
“We can’t change the past,” wika ng 22-anyos na si Wembanyama, “We’re already thinking about Game 3.”
Gagawin ang Game 3 sa New York sa Madison Square Garden sa Martes.
Nakabangon ang San Antonio mula sa isang 14-point deficit sa fourth period para agawin ang 104-102 abante sa huling 57 segundo mula sa nakumpletong three-point play ni Wembanyama.
Itinabla ni Brunson ang New York sa 104-104.
Nagkaroon ng turnover si Wembanyama sa posesyon ng Spurs na nagresulta sa free throw ni Brunson para sa 105-104 bentahe ng Knicks sa huling 9.5 segundo.
- Latest


















