^

Bansa

Marcoleta: ‘Wag takpan ang katotohanan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Tinawag ni Sen. Rodante Marcoleta na malaking tagumpay para sa katotohanan at pananagutan ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Huwebes kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Ani Marcoleta, sa kabila ng umano’y pagtatangkang hadlangan ang paglalantad ng mga testigo, nakarating pa rin sa publiko ang mabibigat na alegasyon ng mga dating sundalo at security aides ni dating Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co.

“Matagal tayong hinahamon na maglabas ng ebidensya. Ngayon na may mga testigong humaharap at handang magsalita sa ilalim ng panunumpa, tila may mga puwersang gustong pigilan silang marinig ng sambayanan,” diin niya.

Sa pagdinig, lumutang ang mga alegasyon ng ilang dating Marines at security personnel tungkol sa umano’y pagdadala ng maleta na nag­lalaman ng malala­king halaga ng pera mula sa mga proyekto ng pamahalaan. Ayon sa mga testigo, ang mga deli­very na ito ay umano’y nakara­ting sa matataas na personalidad sa gobyerno, kabilang sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, dating Speaker Martin Romualdez, at iba pang matataas na opisyal.

Diniin ni Marcoleta na ang mga ito ay seryosong alegasyon na nararapat imbestigahan nang buo at walang kinikilingan.

“Hindi sapat na ­basta itanggi lamang ang mga paratang. Ang hinihingi ng taumbayan ay isang patas, malaya, at transparent na imbestigasyon,” aniya.

Ayon pa sa senador, may iba pang testigong handang humarap sa mga susunod na pagdinig upang magbigay ng karagdagang impormasyon at ebidensya hinggil sa umano’y malawakang katiwalian.

Ayon sa senador ang mga alegasyon ay tungkol sa bilyun-bilyong pisong pera ng taumbayan. Kaya nararapat lamang na ito’y imbestigahan para lumabas ang buong katotohanan.

RODANTE MARCOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with