^

Bansa

Pangulong Marcos ininspeksyon Maharlika Highway

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Biyaheng Tacloban-Samar 45 minuto na lang

MANILA, Philippines —  Personal na ininspeksyon kahapon ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr ang rehabilitasyon sa Maharlika Highway sa Pinapacdao, Samar.

Ayon sa Pangulo, sa sandaling matapos ang rehabilitasyon sa Agosto, magiging 45 minuto na lamang ang biyahe mula Tacloban City patungo sa Catbalogan, Samar mula sa dating 3 oras.

Siniguro ng Pa­ngulo na mataas ang kalidad ng proyekto upang mapabuti ang interconnectivity, mapabilis ang paggalaw ng mga produkto, biyahe ng publiko, at mapalakas ang mga oportunidad sa ekonomiya sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng kalsada, inaasahang magreresulta ito sa pagbaba ng gastos sa transportasyon, pag­husay ng logistics para sa mga magsasaka at negosyante, at magpapadali sa access sa edukasyon ng mga mag-aaral.

Magbibigay daan din aniya ito para sa mas mabilis na pagpapaabot ng serbisyong pangkalusugan, at iba pang mahahalagang serbisyo.

Magiging mas ligtas at mas maaasahan din aniya ang pagdaan ng mga relief at recovery operations sa panahon ng kalamidad.

SAMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with