NBI: ‘Bato sa Yate’ post, baka nililigaw lang imbestigasyon
MANILA, Philippines — Masusi pang inaalam ng National Bureau of Investigation (NBI) kung may motibong iligaw lang ang imbestigasyon ng nag-viral na post sa social media na nakasakay sa yate ang puganteng si Senador Ronald “Bato” dela Rosa noong Mayo 14.
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na maingat ang pag-iimbestiga at beripikasyon ng nasabing post upang madetermina ang motibo kung gusto lang iligaw ang imbestigasyon sa paghahanap kay Dela Rosa na may kinakaharap na warrant of arrest na inisyu ng International criminal Court (ICC).
“Let’s check first. I haven’t seen that yet. Maybe we’re being misled, so we are being careful,” ani Matibag.
Matatandaang madaling araw noong Mayo 14, 2026 nang umalis sa Senate compound si Dela Rosa na nakisakay lang kay Senador Robin Padilla at nasundan ng mga impormasyon na sumakay rin umano sa luxury yacht na may pangalang “Happy Life” na iniuugnay sa yate na pag-aari ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
Patuloy pa ang paghahanap kay Dela Rosa habang itinutuloy ang imbestigasyon.
- Latest


















