^

Bansa

Anti-fake news bill aprub na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa botong 286-3-7, pinagtibay na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa nitong Miyerkules ng gabi ang anti-fake news bill na naglalayong tuldukan ang mga organisadong disimpormasyon, troll farms operations, iba pang mga malisyosong kasinungalingan na ipinakakalat sa online at protektahan ang kalayaan sa pamamahayag.

Ang House Bill (HB) No.9465 o Digital Media Anti-False Information Act ay kabilang sa mga priority bills ng Legislative -Executive Development advisory Council (LEDAC).

Inihayag ni Dy na sa panahong kalat ang mga disimpormasyon ay nagiging malakas na sandata ito para linlangin ang komunidad, manira ng reputasyon, guluhin ang demokratikong proseso at isa rin itong malaking banta sa pambansang seguridad.

Sakaling mapagtibay bilang batas sinumang masasangkot pagkakalat ng fake news at disimpormasyon ay mahaharap sa 6-12 taong pagkakakulong at multang P5,000-P2 milyon.

Sakop din ng panukala ang artificial intelligence-generated o mga minanipulang imahe, videos at audio release na ang target ay lituhin, linlangin at impluwensiyahan ang publiko.

 

FAKE NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with