^

Bansa

SB 11 kay Cayetano: ‘Mag-resign ka na’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
SB 11 kay Cayetano: ‘Mag-resign ka na’
“SP Alan, resign!” Ito ang panawagan ng minority senators o Solid Bloc 11 kay Senate President Alan Peter Cayetano matapos muling ‘di sumipot sa plenaryo ang mga miyembro ng mayorya, kahapon.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Hinamon ng minority bloc ng Senado si Senate President Alan Peter Cayetano na magbitiw sa puwesto matapos ang dalawang araw na walang naganap na sesyon sa Senado.

Sa statement ng minorya na binasa ni Sen. Erwin Tulfo, sinabi nito na ang hindi pagsipot ng majority senators ay isang malinaw na pag-abandona ng kanilang tungkulin at pagbalewala sa rules ng Senado.

Sinabi ni Tulfo na hindi maaaring itigil ng Senado ang kanilang trabaho dahil lamang sa ayaw ng kanilang lider na magtrabaho at gampanan ang kaniyang tungkulin.

Binanggit din ni Tulfo na sa kanilang rules, maaari lamang suspendihin ng Senado ang kanilang sesyon pero dapat ay may konsultasyon ito sa majority leader at minority leader.

“Under Rule XIV, Sec. 41 of the Rules of the Senate, the Senate President may postpone the holding of the session after consultation with the Majority Leader and the Minority Leader. That rule was violated. This is not merely a procedural lapse—it is a direct violation of the Rules of the Senate and
a serious disrespect for the institution and the Filipino people,” anang statement ng minorya.

Hinamon din ni Tulfo si Cayetano na sa halip na sabihin ang kanyang mga statement sa pamamagitan ng FB live ay sa ple­naryo siya magsalita. Aniya, sa Facebook pumapasok si Cayetano.

“Dito sana siya magdebate kung ano ang gusto niyang gawin. Huwag sa social media,” sabi ni Tulfo.

Umapela naman ni Sen. Juan Miguel Zubiri sa kanilang kasamahan sa mayorya na dumalo na sa huling araw ng sesyon ngayon bago mag- ‘adjournment sine die’ ang Senado.

“It is their duty. Binabayaran tayo ng taumbayan para magtrabaho hindi para mag-absent-absent lamang at mabulakbol,” sabi ni Zubiri.

Binanggit naman ni Tulfo na nangyari ang lahat dahil lamang ang isa sa kasama ng mayor­ya na si Sen. Jinggoy Estrada ay nakakulong.

Kaugnay nito, sinabi ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na ngayong araw, Miyerkules nila pag-uusapan kung ano ang dapat gawin sa mga hindi dumadalo sa sesyon.

Maliwanag aniya sa rules ng Senado na dapat nagdaraos sila ng sesyon sa ganap na alas-3 ng hapon mula Lunes hanggang Miyerkules.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with