^

Bansa

Victory Liner iginagalang suspension order ng LTFRB

Pilipino Star Ngayon
Victory Liner iginagalang suspension order ng LTFRB
Litrato ng isang bus ng Victory Liner, Inc.
Released/LTFRB

MANILA, Philippines — Kinikilala ng Victory Liner ang preventive suspension order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sumasaklaw sa 26 mga bus habang isinasagawa ang imbestigasyon kaugnay ng malagim na aksidente sa Tuba, Benguet noong Mayo 30, 2026.

Sa opisyal na pahayag, nagpaabot ng pakikiramay ang kumpanya sa pamilya ng nasawi at panalangin para sa paggaling ng mga sugatan. “Kaligtasan ng pasahero ang aming pinakamataas na prayoridad,” diin ng pamunuan.

Ipinahayag ng Victory Liner ang buong pakikipagtulungan sa imbestigasyon, kabilang ang pagsumite ng maintenance records, operational reports, at iba pang dokumento. Nilinaw rin nila na paunang resulta pa lamang ang lumabas at patuloy ang masu­sing pagsusuri bago maglabas ng pinal na konklusyon.

Mahigit 75 taon nang naglilingkod ang Victory Liner sa Luzon, at iginiit nilang patuloy ang pamumuhunan sa modernisasyon ng fleet, preventive maintenance, at pagsasanay ng mga drayber. Nakikipag-ugnayan din sila sa mga ospital at insurance providers upang matiyak na agad na matutulungan ang mga apektadong pasahero.

Habang suspendido ang ilang bus, tiniyak ng kumpanya na nagsasagawa sila ng internal review sa kanilang safety protocols at fleet management. “Nana­natili kaming nakatuon sa transparency, pananagutan, at patuloy na pagpapabuti ng serbisyo,” dagdag ng pamunuan.

Sa huli, nanawagan ang Victory Liner ng pang-unawa mula sa publiko at muling iginiit na ang tiwala ng riding public ang pundasyon ng kanilang operasyon—isang tiwalang nais nilang patuloy na pagyamanin sa pamamagitan ng ligtas at maaasahang transportasyon.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with