Philippines -Japan partnerships pinalakas digital services
MANILA, Philippines — Mas pinaigting ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagsusulong ng pamumuhunan sa bansa.
Ito ay matapos saksihan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Trade Secretary Ma. Cristina A. Roque ang paglagda sa tatlong memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng mga kumpanyang Pilipino at Hapones.
Layunin ng mga kasunduan na palakasin ang smart cities, digital connectivity, at financial technology sa bansa.
Isa sa mga kasunduan ay nilagdaan ng Ayala Corp., Globe Telecom, Mitsubishi Corp., at KDDI Corp. para pag-aralan ang pagpapatupad ng “Intelligent City” initiatives sa Makati City na maaari ring palawakin sa iba pang lungsod sa Pilipinas.
Gagamit ang proyekto ng artificial intelligence (AI), Internet of Things (IoT), urban data integration platforms, at advanced telecommunications solutions upang mapahusay ang transportasyon, retail at commercial services, energy management, at digital city services.
Samantala, nilagdaan naman ng Ayala Corp., Mitsubishi UFJ Financial Group (MUFG), Mitsubishi Corp., at Mynt ang isa pang kasunduan upang palawakin pa ang serbisyo ng GCash sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Nauna nang nag-invest ang Mitsubishi at MUFG ng US$700 milyon sa GCash bilang patunay ng kanilang tiwala at suporta sa digital economy ng bansa.
- Latest


















