‘No-el’ ni Imee sinopla ng Comelec

MANILA, Philippines — Mariing pinabulaanan ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia ang inilutang ni Sen. Imee Marcos hinggil sa posibilidad na magkaroon ng “no-election” scenario sa 2028 upang pahabain ang termino ng kanyang kapatid na si Pang. Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay Garcia, hindi mangyayari ang no-el scenario sa 2028 dahil ito ay imina-mandato ng Konstitusyon.
“‘No-el 2028’ will not happen. It’s a mandate of the Constitution to have an election in that year… no contingency for a ‘No-el’ because the election is certain to happen,” wika ni Garcia.
Idinagdag din ng poll chief na sa ngayon ay sinisimulan na nila ang paghahanda para sa presidential election, kahit dalawang taon pa bago ang pagdaraos nito.
Pinag-aaralan na rin aniya nila kung paano io-automate ang naturang halalan, gayundin ang muling pagdaraos ng voter registration at ang promulgasyon ng rules and guidelines.
Una na rin namang inismiran ni Pang. Marcos ang ‘no-el scenario’ ng kapatid habang tinawag naman itong ‘diversionary tactic’ ng Malakanyang.
- Latest

















