Sen. Pia, nangumusta, naka-move on na
MANILA, Philippines — Matapos mag-trending dahil sa kanyang emosyonal na pahayag sa plenaryo ng Senado, tila naka-move on na si Sen. Pia Cayetano.
Ito ay matapos siyang mag-facebook live nitong Biyernes, at mangumusta sa kanyang viewers.
“Kumusta na po kayong lahat? Balita ko trending na raw po ang ‘Kumusta ka?’ Kaya ako magtatanong sa bawat isa sa inyo, kumusta ka?,” sabi ng senadora sa kanyang vlog.
Kasabay nito nagpasalamat din si Cayetano sa mga kapwa senador na nangumusta at lumapit sa kanya pagkatapos ng kanyang talumpati at inamin na nasaktan siya bilang tao, subalit naka-moved on na siya at wala nang dahilan para magkimkim pa ng sama ng loob.
Nauna nang inihayag ng senadora na nasaktan siya dahil wala umanong nangumusta mula sa mga miyembro ng Senate minority bloc nang mangyari ang putukan sa Senado. Subalit nilinaw naman ni Sen. Erwin Tulfo na nagpadala naman sila ng mensahe sa majority bloc.
- Latest















