PANOORIN: Romualdez, handang tumestigo vs Mabanta — abogado
MANILA, Philippines — Handang tumestigo si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez laban kina online personality Franco Mabanta at apat na iba pa kung kakailanganin ng korte, ayon sa kanyang abogado na si Elaine Atienza.
"If ma-require ang kanyang presence or participation in the case, whether by the court or under the rules, he will comply," ani Atienza ngayong Huwebes, May 21.
Iginiit din ng kanyang abogado na ang korte, at hindi social media, ang tamang lugar para dinggin ang kaso.
"Ultimately, it is the court that will decide," dagdag niya.
Nahaharap sa kasong robbery by extortion sina Mabanta — founder ng Peanut Gallery Media Network — at apat na iba pa.
Inaresto ng National Bureau of Investigation ang mga suspek noong May 5 matapos umanong tangkaing mangikil ng P300 milyon mula kay Romualdez kapalit ng hindi paglabas ng bidyo na nagsasangkot umano sa kanya sa flood control scandal.
- Latest





















