^

Bansa

Senado balik sesyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senado balik sesyon
Philippines' Senator Ronald Dela Rosa prepares for an interview at the Senate of the Philippines in Pasay, Metro Manila on May 13, 2026.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Magkakaalaman ngayong Lunes sa pagbabalik ng sesyon ng Senado kung mapapalitan sa puwesto si Se­nate President Alan Peter Cayetano.

Mismong si Cayetano ang nagsabi sa isang press conference noong Mayo 14, Huwebes, na may mga nagtatangka na patalsikin siya sa posisyon na nakuha niya kay Sen. Vicente “Tito” Sotto III sa pamamagitan ng kudeta.

Dahil tiyak na hindi sisipot sa sesyon si Sen. Bato Dela Rosa na malayang nakaalis sa Senado noong Miyerkules ng madaling araw, 12 na lamang ang bilang ng mayorya na maaring bumoto kay Cayetano.

Matatandaan na 13 ang senador na nagluklok kay Cayetano sa puwesto samantalang siyam (9) naman bumoto kay Se­nate Minority Leader Vicente “Sotto” III at dalawa ang piniling mag-abstain, sina Senators JV Ejercito at Juan Miguel Zubiri.

Kung papanig sa minorya ang dalawang senador na nag-abstain at may makuha pa silang dalawa mula sa bagong mayorya ay magkakaroon ng sapat na bilang o “bagong 13” para mag­lunsad ng panibagong kudeta.

Nauna rito, inihayag mismo ni Cayetano na “medyo busy” ang bagong minority block na pinamumunuan ni Sotto sa pakikipag-usap sa mga senador na nasa bagong mayorya.

“Medyo busy sila ngayon, na tina-try kausapin yung mga mi­yembro namin na sumali ulit sa kanila” sabi ni Ca­yetano.

Isiniwalat din ni Ca­yetano na may “pananakot” sa mga iniimbitahan na sumali sa kabilang grupo.

BATO

CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with