^

Bansa

ERC: Putol kuryente suspindido ng 3 buwan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
ERC: Putol kuryente suspindido ng 3 buwan
Photo shows linemen working on power transmission cables.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang lahat ng distribution utilities (DUs) sa bansa na suspindihin muna ang power disconnections o diskoneksiyon ng linya ng kuryente sa bansa sa loob ng tatlong buwan at magpatupad ng iba pang mga pamamaraan upang maprotektahan ang mga electric consumers.

Ang kautusan ay nakasaad sa inisyung advisory ng ERC kamakalawa ng gabi na nag-aatas sa lahat ng concerned electric power industry stakeholders na magpatupad ng mga consumer protection measures.

Kabilang sa mga pamamaraan na ipinag-utos ng ERC ay ang pansamantalang pagsuspinde sa diskoneksiyon ng linya ng kuryente ng residential at non-residential consumers sa kanilang captive market, na bigong makapagbayad ng electricity bills, mula ngayong buwan ng Mayo hanggang Hulyo, 2026.

Ipinag-utos din ng ERC ang pagpapatupad ng flexible payment options at ekstensiyon o pagpapalawig ng payment schemes sa distribution utilities. Inatasan din ng ERC ang mga distribution facilities na magsumite ng compliance report sa naturang direktiba sa ilalim ng abiso, sa loob ng 30 araw o hanggang Agosto 30, 2026.

ERC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with