VP Sara tagilid sa plunder

Ebidensiya malakas - Atty. Kapunan
MANILA, Philippines — Malakas at sapat umano ang ebidensya ng House panel para makasuhan at ma-convict sa hiwalay na kasong plunder si Vice President Sara Duterte, ayon sa batikang abogado na si Atty. Lorna Kapunan.
“Tama po yan … she may because sa lakas ng ebidensya,” tugon ni Kapunan sa tanong ng mga reporter kung maisusulong ba ng Ombudsman ang kasong plunder at mapapanagot sa batas si VP Sara base sa mga ebidensyang nasiwalat sa Justice panel sa pagdetermina ng ‘probable cause’.
Ang tinutukoy ni Kapunan ay ang pag-eksamin ng Justice panel sa rekord ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kung saan nalantad na mahigit sa 600 mga kahina-hinalang transaksiyon sa bangko ni VP Duterte at ng mister nitong si Atty. Manases Carpio na umaabot sa P6.7 bilyon. Tumugma naman ang rekord ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa rekord ng AMLC.
“Maalala natin ‘nung pinakita, ‘nung ginawang witness ng House Committee on Justice si Senator Trillanes, under the questioning of Rep. Leila de Lima, random accounts lang, random accounts sa kinumpara, yung mga in-annex ni Senator Trillanes sa affidavit niya,” saad ni Kapunan.
“Nag-random choosing lang ang Congresswoman Leila ng 19 accounts,” ani Kapunan na lahat ay nag-match o tumugma sa rekord ng AMLC.
Inihayag ni Kapunan na maari rin aniyang pagsabayin na ang kasong plunder sa Ombudsman laban kay VP Sara sa napipintong posibleng paglilitis ng impeachment laban dito sa Senado.
“Yes po. Puwedeng isabay. Hindi kasi ‘yung impeachment case. Puwedeng isabay lahat. Puwedeng magsabay ng criminal case,” paliwanag pa ni Kapunan.
VP Sara tagilid sa plunder
JOY CANTOS
Ebidensiya malakas - Atty. Kapunan
Malakas at sapat umano ang ebidensya ng House panel para makasuhan at ma-convict sa hiwalay na kasong plunder si Vice President Sara Duterte, ayon sa batikang abogado na si Atty. Lorna Kapunan.

- Latest