^

Bansa

Pagiging whistleblower ni Bernardo kinuwestyon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagiging palaisipan ngayon kung dapat nga bang ituring na whistleblower si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo kaugnay sa kaso ng maanomalyang flood control projects sa bansa.

Ito’y matapos na lumitaw sa pagdinig na isinagawa ng Sandiganbayan na tila maituturing na ‘utak’ sa anomalya si Bernardo kasunod nang pagkakabunyag na kumita siya ng P1 bilyon mula rito.

Sa idinaos na hearing, nagpalitan ng matitinding pananalita sina Associate Justice Ronald Moreno at Bernardo, na ngayon ay may immunity matapos na maisailalim ng Witness Protection Program (WPP) ng pamahalaan.

Diretsahang ibinato ng hukuman ang tanong kay Bernardo kung, “Bakit umaabot sa P1 bilyon ang ipinapasoli sa iyo?”

Hindi naman iniwasan ni Bernardo ang tanong at inamin ang halaga.

Nang usisain naman ito kung magkano na ang kanyang naibalik, sinabi ni Bernardo na, “Halos kalahati.”

Dito na lalo pang nakuwestiyon si Bernardo, na kung wala siyang kinita ay bakit siya magsasauli ng halos P1 bilyon.

Nabatid na higit ding nagpapatibay sa papel ni Bernardo sa anomalya ang sunud-sunod na pahayag ng mga testigong nagsa­sabing sumunod lamang sila sa utos ni Bernardo, kabilang ang kanyang driver, aide, at maging si Henry Alcantara.

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with