TRO hinirit ng mga abogado sa impeachment vs Sara
MANILA, Philippines — Ilang abogado pa ang naghain ng ika-apat na petisyon sa Korte Suprema (SC) na kumukwestyon sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang 34-pahinang petisyon, hiniling nina Hue Jyro Go, Micah De Guzman, at Jake Leoncini sa SC na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) at/o isang writ of preliminary injunction upang ihinto ang pagpapatuloy ng third at fourth impeachment at ang pag-isyu ng mga subpoena.
Hinimok din nila ang korte na ipawalang-bisa at isantabi ang “finding, acts, rulings” at direktiba ng House of Representatives kaugnay ng mga reklamo ng impeachment, kabilang ang naging pasya na sapat ang “form and substance” at ang pag-isyu ng mga subpoena.
Maituturing anila na fishing expedition ang ginagawa sa pag-iisyu ng mga subpoena, pagtanggap ng “materials” na wala naman sa complaints, at paggamit ng third-party record-gathering para maghanap at makakuha ng mga ebidensya.
Sinabi rin nila na ang kahilingan para sa mga pahayag ng mga ari-arian, pananagutan, at net worth (SALN) na sumasaklaw sa maraming taon ay “patently overboard”.
- Latest




















